^
SBP gustong simulan agad ang ensayo ng Gilas
Al Panlilio
STAR/File

SBP gustong simulan agad ang ensayo ng Gilas

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na agad na masimulan ang paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa dalawang malalaking torneong lalahukan nito.

Una na ang FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Clark, Pampanga gayundin ang FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin naman sa Hun­yo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.

Alam ni SBP president Al Panlilio na may tatlong buwan pang nalalabi bago ang FIBA Olympic Quali­fying Tournament.

Ngunit nais nitong samantalahin ang panahon upang makabuo ng solidong koponan at magandang chemistry ang Gilas Pilipinas na sasabak sa Olympic qualifiers.

Sa katunayan, gusto ni Panlilio na masimulan ito sa lalong madaling panahon - sa second week ng Marso.

Posibleng patapusin muna ang PBA Annual Rookie Draft na idaraos sa Marso 14 bago makapagsimula sa pagbabalik-trai­ning ang Gilas Pilipinas.

“Maybe second or third week or March makapagsimula na. We have three months to prepare but we have to maximize that,” ani Panlilio.

Mapapalaban ng husto ang Gilas Pilipinas sa Olympic qualifiers dahil matitinding koponan ang makakasagupa nito sa group stage.

Nasa Pool A ang Pilipinas kasama ang host Serbia at Dominican Republic.

Kaya naman gusto ni Panlilio na agad na maka­pag-ensayo ang Gilas Pilipinas upang maging preparado sa labang haharapin nito.

Ayaw na ng SBP na maulit ang 126-67 demolis­yon na tinamo ng Gilas Pilipinas noong makaharap nito ang Serbia sa 2019 FIBA World Cup.

Nabiyayaan ang Pilipinas ng tiket sa FIBA Olympic Qualifying Tournament matapos mag-withdraw ang New Zealand dahil sa pandemya.

GILAS PILIPINAS SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with