^

SBP tutok din sa 3x3 Olympic qualifying

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maliban sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa 5x5, pinaghahandaan din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagsabak sa 3x3 Olympic qualifying event.

Mas maagang idaraos ang 3x3 Olympic qualifying na gaganapin sa Mayo 26 hanggang 30 sa Graz, Austria.

Kaya naman muling magsasanib-puwersa ang SBP at Philippine Basketball Association (PBA) sa kampanyang ito.

Babanderahan ang Pilipinas nina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na parehong naka-entra sa PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa Marso 14.

Kasama nina Munzon at Pasaol sina San MiguelBeer standouts CJ Perez at Mo Tautuaa na miyembro ng men’s 3x3 basketball na nakagintong medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Tiniyak ni PBA commissioner Willie Marcial na magiging available ang mga players dahil posibleng masagasaan ng Olympic qualifying tournament ang PBA Season 46 Philippine Cup na target simulan sa Abril.

“Kami naman sa PBA, buo ang suporta namin sa campaign ng national team natin. Kailangang magbigay ng oras para makapag-training ‘yung team natin sa 3x3,” ani Marcial.

FIBA SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with