^

Deadline para sa Fil-foreign rookies sa Biyernes na!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — May hanggang Biyernes na lamang ang mga Filipino-foreign applicants upang makumpleto ang requirements para sa PBA Annual Rookie Draft.

Ito ang itinalagang deadline ng pamunuan ng PBA para makapagsumite ng mga kinakaila­ngang dokumento ang mga Fil-foreign rookies kung nais nitong makasama sa opis­yal na listahan sa Rookie Draft na gaganapin sa Marso 14.

Ilan sa mga panguna­hing kailangang isumite ng mga aplikante ang certification mula sa Bureau of Immigration at recognition mula sa Department of Justice.

Ang mga dokumentong ito ang magpapatunay na sila ay may dugong Pilipino at karapat-dapat maging local player sa liga.

Kung makukumplento ang mga dokumento, saka lamang isasama sa listahan ang mga Fil-foreign players.

Inaasahang ilalabas ng PBA ang listahan ng mga kwalipikadong aplikante sa Marso 9.

Nauna nang binigyan ng extension ni PBA commissioner Willie Marcial ang mga aplikante para buuin ang mga requirements.

“Binigyan sila ng extension, pero hindi na tayo tatanggap ng bagong applicants. Kung may kulang sila, makakapag-submit sila hanggang March 5,” ani Marcial sa kanyang naunang panayam.

Sa huling listahan ng PBA, may 18 sa 31 Fil-foreign applicants ang kulang-kulang pa ang requirements.

Nahirapan ang mga Fil-foreign players na kumuha ng mga dokumento dahil sa pandemya.

PBA ROOKIE DRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with