^
Lakers binawian ang Warriors
Pinagtulungang supalpalin nina Warriors guard Kelly Oubre Jr. (kanan) at forward Juan Toscano-Anderson (kaliwa) si Lakers star LeBron James.

Lakers binawian ang Warriors

(Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Niresbakan ng nagdedepensang Lakers ang Golden State Warriors, 117-91, para sa kanilang ikalawang sunod na panalo tampok ang 19 points ni LeBron James.

Si James ang pang-23 player sa NBA history na na naglaro sa kanyang ika-1,300 regular-season appearance at isa sa anim na players ng Lakers (24-11) na umiskor sa double figures.

Nag-ambag sina Markieff Morris at Alex Caruso ng tig-13 points habang may tig-12 at 11 markers sina Dennis Schröder, Kyle Kuzma at Talen Horton-Tucker, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang tinalo ng Warriors (19-16) ang La­kers, 115-113, noong E­nero 18.

Binanderahan ni Eric Paschall ang Golden State sa kanyang 18 points.

Sa Miami, umiskor si Kendrick Nunn ng 24 points para sa 109-99 pagpulutan ng Heat (17-17) sa Atlanta Hawks (14-20).

Sa Milwaukee, nagpasabog si Giannis Antetokounmpo ng 36 points para ihatid ang Bucks (21-13) sa 105-100 paggiba sa LA Clippers (24-12).

Sa Detroit, humugot si Julius Randle ng 17 sa kanyang 25 points sa se­cond half para akayin ang New York Knicks (18-17) sa 109-90 panalo sa Pistons (9-25).

Sa Boston, isinalpak ni Jayson Tatum ang dala­wang driving baskets sa huling 15 segundo at tumapos na may 31 points para sa 111-110 comeback win ng Celtics (17-17) sa Wa­shington Wizards (13-19).

Sa Minneapolis, nagtala si Devin Booker ng season-high 43 points para pamunuan ang 118-99 tagumpay ng Phoenix (22-11) sa Minnesota Timberwolves (7-28).

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with