^

PBA staff pararangalan ng PBA Press Corps

(Pilipino Star Ngayon) - March 2, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang mga nasa likod ng matagumpay na pagdaraos ng 2020 Philippine Cup bubble sa Clark, Pampanga ang parara­ngalan ng PBA Press Corps sa virtual Awards Night sa Linggo sa TV5 Media Center.

Bibigyan ng special citation ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat ang 17-man PBA staff na pinamumunuan ni Deputy Commissioner Eric Castro sa event sa Marso 7 na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush kinabukasan.

Ang iba pang awards na igagawad ay ang Outstan­ding Coach of the Bubble, Mr. Executive at ang President’s Award.

Bibigyan din ng rekognisyon para sa nakaraang season sina 2019 Baby Dalupan Coach of the Year Leo Austria ng San Miguel, Danny Floro Executive of the Year PBA Chairman Ricky Vargas ng TNT, Presidential Awardee Vergel Meneses at Defensive Player of the Year Sean Anthony ng NorthPort.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with