Mavs tinapos ang pananalasa ng Nets
NEW YORK — Umiskor si Luka Doncic ng 27 points habang may 18 markers si Kristaps Porzingis para sa 115-98 pagpapatumba ng Dallas Mavericks sa Brooklyn Nets.
Winakasan ng Mavericks (16-16) ang eight-game winning streak ng Nets (22-13) kung saan dinomina ng Dallas ang Brooklyn sa shaded lane sa third period.
Umiskor si James Harden ng 29 points para sa Nets na muling hindi nakuha ang serbisyo ni superstar Kevin Durant (left hamstring strain) sa ika-pitong sunod na laro habang ipinahinga ni Kyrie Irving ang kanyang surgically repaired right shoulder.
Sa Orlando, humataw si Donovan Mitchell ng 31 points para banderahan ang NBA-leading Utah Jazz (27-7) sa 124-109 tagumpay sa Magic (13-21).
Sa Philadelphia, tumipa si Collin Sexton ng 28 points at may 25 markers si Darius Garland para sa 112-109 overtime win ng Cleveland Cavaliers (13-21) sa 76ers (22-12).
Sa ibang resulta, namayani ang Washington Wizads sa Minnesota Timberwolves, 128-112 at l usot ang San Antonio Spurs sa New Orleans Pelicans, 117-114.
- Latest