National fencers diretso ang bubble training
Para sa Olympic qualifying
MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang ‘bubble’ training ng mga miyembro ng national fencing team sa isang training camp sa Ormoc City bilang preperasyon sa qualifying tournament para sa 2021 Olympic Games.
Kasalukuyang nagsasanay sa probinsya ni Philippine Fencing Association (PFA) at Ormoc City Mayor Richard Gomez sina Jylyn Nicanor at Christian Jester Concepcion sa men’s at women’s saber category, Hanniel Abella at Noelito Jose sa epee at Nathaniel Perez sa foil.
Si Nicanor ang tumusok sa gold medal ng 30th Southeast Asian Games noong 2019 na pinamahalaan ng bansa at isa sa mga inaasahang may tsansang makasikwat ng tiket para sa 2021 Olympics na gagawin sa Tokyo, Japan..
Kumpiyansa rin si Gomez sa pag-asa ni national fencer Samantha Catantan na makakuha ng Olympic berth.
Nakatakdang lumahok ang 19-anyos na 2019 SEA Games gold medal winner sa World Junior/Cadet Fencing Championships sa Abril 3-11 sa Cairo, Egypt.
- Latest