Heat pinigil ang Jazz
MIAMI, Philippines — Nagpasabog si Jimmy Butler ng season-high 33 points at nagtala si reserve Goran Dragic ng season-best 26 markers sa 124-116 pagpigil ng Heat sa NBA-leading Utah Jazz.
Humakot si Bam Adebayo ng 19 points at 11 rebounds para sa pang-limang sunod na ratsada ng Heat (16-17).
Binanderahan ni Donovan Mitchell ang Jazz (26-7) sa kanyang 30 points.
Sa Los Angeles, naglista si LeBron James ng 28 markers, 11 boards at 7 assists sa 102-93 pananaig ng nagdedepensang Lakers (23-11) sa Portland Trail Blazers (18-14).
Sa San Francisco, nagposte si Draymond Green ng triple-double sa kanyang 11 points, 19 assists at 12 boards para sa 130-121 panalo ng Golden State Warriors (19-15) sa Charlotte Hornets (15-17).
Sa Memphis, umiskor si Kawhi Leonard ng 30 points para pamunuan ang Los Angeles Clippers (24-11) sa 119-99 pagdakma sa Grizzlies (14-15).
Sa Chicago, tumipa sina Devin Booker at Deandre Ayton ng tig-22 points para akayin ang Phoenix Suns (21-11) sa 106-97 paggupo sa Bulls (15-17)
Sa Boston, nilusutan ng Celtics ang Indiana Pacers, 118-112 tampok ang season-high 32-points ni Kemba Walker.
- Latest