^

PSN Palaro

PBA handang tumulong sa SBP

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa naman ang PBA na tumugon sa panga­ngailangan ng SBP.

Nagkaabang lamang ang liga sa magiging aksyon ng asosasyon dahil katuwang ang PBA sa pagbuo ng malakas na koponan sa iba’t ibang international tournaments.

Kaya naman inaasahang magpapatawag ng panibagong board meeting si PBA commissioner Willie Marcial upang makausap ang mga teams.

Magiging malaking ba­lakid lamang ang schedule ng PBA Season 46 na nakatakdang simulan sa Abril dahil posibleng tamaan ang Olympic qualifiers.

Gayunpaman, handa ang PBA na tulungan ang SBP para makabuo ng solidong Gilas Pilipinas sa qualifying tournament.

Makakalaban ng Pilipinas sa Group A ang host Serbia at Dominican Republic na parehong magpaparada ng malakas na koponan.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with