Jazul hinirang ng PBAPC na Mr. Quality Minutes
MANILA, Philippines — Isinama si Phoenix veteran guard RJ Jazul at ang Philippine Cup Game Five semifinals match ng Barangay Ginebra at Meralco sa honor roll list ng PBA Press Corps para sa virtual Awards Night.
Ibibigay kay Jazul ang Mr. Quality Minutes award para sa kanyang ambag sa kampanya ng Phoenix sa nakalipas na ‘bubble’ PBA Philippine Cup.
Mula sa bench ay nagtala ang 34-anyos na playmaker ng mga averages na 11.0 points, 2.3 rebounds, at 2.1 assists sa 17 games.
Kasama rito ang kanyang career-high 33 points sa 110-101 pagpapatalsik ng Phoenix sa five-time All-Filipino Cup champion San Miguel para sa quarterfinals spot.
Hinirang na Game of the Bubble ng mga reporters na nagkokober ng PBA beat ang paglusot ng No. 1 Gin Kings kontra sa No. 5 Bolts sa Game Five ng kanilang semis series tampok ang buzzer-beating triple ni Scottie Thompson para sa PBA Finals seat.
Ang two-in-one awards night ay magtatampok din sa mga 2019 awardees na pararangalan sa Marso 7 mula sa TV5 Media Center at inihahandog ng Cignal TV.
Ang iba pang nasa honor roll list ay si CJ Perez (Scoring Champion) at ang All-Rookie Team (Aaron Black, Arvin Tolentino, Roosevelt Adams, Barkley Ebona, at Renzo Subido).
- Latest