^

PSN Palaro

Pacquiao multi-tasking!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao multi-tasking!
Manny Pacquiao
Manny Pacquiao FB Page

MANILA, Philippines — Multi-tasking ang peg ni eight-division world champion Manny Pacquiao na hindi lamang abala sa kanyang paghahanda para sa susunod na laban maging sa pagtulong sa mga kababayan nito.

Mahigit dalawang linggo na nang magsimula ang training camp ni Pacquiao bilang preparasyon sa kanyang susunod na laban.

Nakaabang pa rin ang sambayanan sa pangalan ng makakalaban nito dahil pinaplantsa pa ng Paradigm Sports na siyang humahawak sa boxing career ni Pacquiao.

Maliban sa prize purse, inaayos din ang padarausan ng laban kung saan una nang puntirya na dalhin ito sa Middle East.

Kaya naman habang naghihintay ng anunsiyo, tuluy-tuloy lang sa ensayo si Pacquiao.

Sa katunayan, nagagawa pa nitong maipasok sa kanyang training camp ang pagtulong sa mga kababayan nito.

Nasa puso na ni Pacquiao ang pagtulong lalo pa’t bahagi ito ng kanyang tungkulin bilang Senador.

Nagsagawa pa ng homecoming si Pacquiao sa Mindanao kamakalawa para maipaabot ang kanyang tulong sa mga kababayan nito.

“It always feels good to look back at where you came from and bring a little smile to people who were part of your past. It reminds us that no matter how hard life are, one should never stop dreaming. Thank you Kibawe for the warmth and the love,” ani Pacquiao sa kanyang post sa social media.

Iginiit ni Pacquiao na malaki ang papel ng kanyang bayang sinilangan dahil dito ito nahubog bilang boksingero.

Kaya’t tiniyak nito na hindi niya makakalimutan kailanman ang kanyang pinagmulan.

Inaasahang ilalabas na ng Paradigm Sports ang pangalan ng makakalaban ni Pacquiao sa oras na makumpleto na ang mga detalye.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with