^

PSN Palaro

PBA 3x3 ikinakasa na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagdaraos ng kauna-unahang 3x3 tournament sa liga.

Pinag-aaralan na ni tournament chairman R­ichard Bachmann sa pakikipagtulungan kay 3x3 director Eric Altamirano kung ano ang magiging sistema sa pagsasagawa nito.

Target sana ng grupo na masimulan ito bago ang pagbubukas ng PBA Season 46 sa Abril.

Subalit posibleng maudlot ito lalo pa’t mara­ming kailangan ayusin partikular na sa mga health protocols na ipatutupad.

Kabilang sa mga ina­ayos ang magiging format ng torneo gayundin ang bilang mga koponang maglalaban-laban sa inagural edition ng PBA 3x3.

Kasama ang 3x3 sa mga tinalakay ng PBA sa board meeting nito kahapon.

Bukod sa 3x3, inaayos na rin ng liga ang mga kailangan para sa PBA Season 46 partikular na ang gagamiting bubble para dito.

Pinag-aaralan ng PBA kung gagamitin ang parehong bubble sa Clark noong Season 45 Philippine Cup o gagamitin ang mas maluwag na home-venue-home, home-gym-home format.

Naging matagumpay ang Clark bubble noong nakaraang taon para matapos ang Philippine Cup na pinagharian ng Barangay Ginebra Gin Kings.

vuukle comment

3X3

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with