^
Maraming nakaabang na oportunidad kay Sotto
Kai Sotto
FIBA.com

Maraming nakaabang na oportunidad kay Sotto

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa pagsasara ng pintuan ng NBA G League kay Kai Sotto, kaliwa’t kanan na ang katanungan kung ano na ang mangyayari sa basketball career nito.

Sa kabila ng lahat, bata pa ang 18-anyos na dating UAAP Juniors MVP kaya’t mahaba pa ang panahon para maabot nito ang inaasam na pangarap na makapaglaro sa NBA.

Sa kanyang pagpirma ng kontrata sa Ignite noong nakaraang taon, tuluyan nang nagsimula ang kanyang career bilang professional basketball player.

Kaya naman napa­ba­litang hindi na ito maaari pang maglaro bilang isang student-athlete sa US NCAA schools na kaliwa’t kanan ang offers bago pa ito pumasok sa Ignite.

May usap-usapan din na hindi na ito makalalaro pa sa UAAP sakaling magdesisyon itong bumalik sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang college dito.

Subalit wala pang pormal na pahayag ang UAAP management committee tungkol dito.

Gayunpaman, bukas na bukas ang pintuan ni Sotto sa iba pang posibilidad.

Isa na rito ang posibleng paglalaro sa susunod na season ng G League.

Posible ring ang pagsabak sa ilang professional leagues sa Europa upang mas lalo pang mahasa ang kanyang talento.

May iba’t ibang professional leagues din sa Asia-Pacific region gaya sa Australia, China at Japan.

Bukas na bukas din ang pintuan ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para makasama ang 7-foot-3 cager sa kam­panya ng Gilas Pilipinas.

Nauna nang inihayag ni SBP president  Al Panlilio na suportado ng asosasyon si Sotto anuman ang maging desisyon nito.

Plano pa naman ng PBA na kunin ang Gilas Pilipinas bilang guest team sa PBA Season 46 Philippine Cup na nakatakdang simulan sa Abril.

Kung walang magi-ging aberya sa schedule, malaki na rin ang posibilidad na makasama si Sotto sa FIBA Asia Cup proper na idaraos sa Agosto sa Jakarta, Indonesia.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with