^
Jazz sinapawan ang Lakers
Nailusot ni Jazz center Rudy Gobert ang kanyang layup sa tangkang supalpal ni Lakers forward Kyle Kuzma sa aksyong ito sa NBA
STAR/ File

Jazz sinapawan ang Lakers

(Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY —  Ipinalasap ng Utah Jazz ang ikaapat na sunod na kamalasan ng nagdedepensang Los Angeles La­kers matapos kunin ang 114-89 panalo.

Naglista sina Fil-American guard Jordan Clarkson at center Rudy Gobert ng tig-18 points para sa ika-22 panalo ng Jazz (26-6) sa huli nilang 24 laro.

Nakahugot ang Lakers (22-11) ng 19 points kay LeBron James habang may 16 markers si Montrzel Harrell.

Sa Miami, humugot si Jimmy Butler ng 14 sa kanyang 27 points sa final quarter para ihatid ang Heat (15-17) sa 116-108 pagtusta sa Toronto Raptors (16-17).

Sa Indianapolis, tumipa si Stephen Curry ng 24 points at kumolekta si Draymond Green ng 12 points, 11 assists, 9 rebounds at 3 steals para sa 111-107 panalo ng Golden State Warriors (18-15) sa Indiana Pacers (15-15).

Sa Atlanta, nagsalpak si Danilo Gallinari ng franchise record na 10 triples para sa 127-112 paggupo ng Hawks (14-18) sa Boston Celtics (15-17).

Sa Oklahoma City, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 42 points at isinalpak ni Lu Dort ang isang game-winning triple para sa 102-99 paglusot ng Thunder (13-19) sa San Antonio Spurs (16-12).

JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with