^

Spence kayang-kaya ni Pacquiao — Fortune

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maliban kay Terence Crawford, isa si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Fe­deration (IBF) welterweight king Errol Spence sa mga lumulutang na pangalan na posibleng makasagupa ni Manny Pacquiao.

Subalit kung si strength and conditioning expert Justine Fortune ang tatanungin, kayang-kaya ng eight-division world cham­pion na pabagsakin si Spence kung matutuloy ang Pacquiao-Spence bout.

Ayon kay Fortune, malaki na ang ipinagbago sa kilos at galaw ni Spence matapos ang kinasangkutan nitong car accident noong Oktubre ng 2019.

Nakita ang pagbabago kay Spence nang makasagupa nito si Danny Garcia noong Disyembre sa Arlington, Texas.

Walang knockout na naganap dahil umabot sa 12 rounds ang laban kung saan nakuha ni Spence ang unanimous decision win.

Kaya naman malaki ang posibilidad na mapatumba ito ni Pacquiao kung matuloy ang kanilang laban.

Malaki ang epekto ng injury na tinamo ni Spence sa car accident.

Naniniwala si Fortune na kailangan nito ng mahabang panahon na healing bago maibalik ang dating tikas ni Spence.

Sa ngayon, nakaabang ang lahat sa anunsiyo ng kampo ni Pacquiao kung sino ang makakalaban nito.

Maliban kina Crawford at Spence, kasama rin sa mga kandidato sina Ryan Garcia at Mikey Garcia.

WBC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with