^

Perez Scoring Champ uli ng PBAPC

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Igagawad kay CJ Perez ng San Miguel ang Scoring Champion award sa PBA Press Corps virtual Awards Night sa Marso 7 mula sa TV5 Media Center.

Humataw ang 27-an­yos na NCAA MVP mula sa Lyceum Pirates ng a­verage na 24.4 points sa nakalipas 2020 PBA Philippine Cup habang naglalaro para sa Terrafirma.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na hinirang si Perez bilang Scoring Champion sa one-hour program na inihahandog ng Cignal TV at ipapalabas sa PBA Rush sa Marso 8.

Samantala, isinama naman si Aaron Black ng Meralco sa All-Rookie Team matapos matulu­ngan ang Bolts na makapasok sa semifinals ng Philippine Cup sa unang pagkakataon sa kanilang franchise history.

Dahil dito ay kinilala siyang Outstanding Rookie ng PBA bubble season.

Bukod kay Black, ang iba pang nasa All-Rookie squad ay sina Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra, Roosevelt Adams ng Terrafirma, Barkley Ebona ng Alaska at Renzo Subido ng NorthPort.

Ibibigay para sa 2020 season ang Outstanding Coach of the Bubble, Mr. Executive, President’s Award, Top Bubble D-Fender, All Bubble D-Fen­ders, Mr. Quality Minutes at Game of the Bubble.

Sina Leo Austria ng San Miguel (Baby Dalupan Coach of the Year), PBA Chairman Ricky Vargas (Danny Floro Executive of the Year) at Vergel Meneses (Presidential Awardee) ang mga awardees para  sa 2019 season.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with