^
Sotto babu na sa NBA G League
Kai Sotto
STAR/File

Sotto babu na sa NBA G League

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nagsara ang pintuan ng NBA G League sa season para kay Kai Sotto.

Sa inilabas na statement ng liga, hindi na makakapasok pa ang 7-foot-3 Pinoy cager sa G League bubble sa Orlando, Florida para makasama ang Ignite team.

Ayon sa sulat ni NBA G League President Shareef Abdur-Rahim, ipinaliwanag kay Sotto at sa Ignite team ang sitwasyon partikular na ang mahigpit na patakaran sa health protocols.

“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, qua­rantine times, and health and safety protocols,” ani Abdur-Rahim.

Gayunpaman, tiniyak ni Abdur-Rahim na mananatiling bahagi ng Ignite at G League si Sotto.

“Kai will always be part of the extended Ignite family and we wish him continued success as he pursues his NBA dreams,” pagtatapos ni Abdur-Rahim.

Matatandaang pu­mirma si Sotto ng kontrata sa Ignite noong Agosto 2020. Kasama nito sa Ignite sina 2021 NBA Draft prospects Jalen Green, Daishen Nix, Isaiah Todd, Jonathan Kuminga at Principal Singh.

Subalit nagpasya si Sotto na pansamantalang iwanan ang Ignite para makasama ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalaruin sana noong Pebrero 18 hanggang 22 sa Doha, Qatar.

Subalit naudlot ang qualifiers nang kanselahin ng Qatar ang naturang event dahil sa pagdami ng kaso ng coronavirus disease.

Ibinalik sa Clark ang hosting ng third window ng qualifiers ngunit wala pang eksaktong petsa kung kailan ito idaraos.

Kaya naman nagdesis­yon na lamang si Sotto na bumalik sa Amerika sa pag-asang makakapag­laro pa ito sa G League kasama ang Ignite.

Ngunit isang malamig na balita ang bumulaga nitong Martes nang gabi nang maglabas ng statement ang G League na hindi na ito makakapasok sa bubble.

Wala pang statement ang kampo ni Sotto kung ano ang magiging susunod na hakbang nito.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with