^
De Los Santos wagi ng 7th gold
Orencio James De Los Santos
STAR/File

De Los Santos wagi ng 7th gold

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni World No. 1 Orencio James De Los Santos nang muli itong umariba sa online tournament.

Namayagpag si De Los Santos sa Adidas USA Karate Open E-Tournament para masiguro ang kanyang ikapitong gintong medalya sa taong ito.

Inilabas ni De Los Santos ang malalim nitong karanasan para talunin ang bagitong si Andrei Gabriel Nedelcu ng Romania (25.1-24.7) sa finals ng men’s seniors individual kata event.

Dahil dito, mas lalo pang tumindi ang kapit ni De Los Santos sa No.1 spot sa world rankings tangan ang 20,250 puntos — malayo sa No. 2 na si Domont Matias Moreno ng Switzerland na mayroon lamang 10,410 puntos.

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with