_ngayon
^

Woods nakaligtas sa aksidente

(Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

LOS ANGELES — Nakaligtas si American golf legend Tiger Woods sa isang malubhang aksidente makaraang sumirko ang sinasakyan niyang kotse kahapon ng umaga.

Kaagad sumailalim sa surgery ang 45-anyos na si Woods, may 15 major golf championships, matapos magkaroon ng injury sa kanyang mga binti.

“I will say that it’s very fortunate that Mr. Woods was able to come out of this alive,” sabi ni deputy Carlos Gonzalez, ang unang law enforcement official na dumating sa pinangyarihan ng aksidente kung saan nakita niyang naipit si Woods sa kanyang kotse at nanatiling kalmado at naipakilala ang sarili.

Ang nasabing kalsada ay isang “hotspot” para sa high-speed accidents sa nakalipas na mga taon.

Ayon kay Los Angeles County Sheriff Alex Villa­nueva na wala sa implu­wensiya ng droga o alak ang 45-anyos na si Woods nang mangyari ang aksidente.

Sumailalim kamakailan si Woods sa isang back surgery at wala pang katiyakan kung papalo siya sa darating na US Masters.

TIGER WOODS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with