^

Abueva bantay-sarado ng Hotshots

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nangako ang pamunuan ng Magnolia Hotshots na babantayan nito si Calvin Abueva na kasalukuyan pang nasa probationary status ng Games and Amusements Board (GAB).

Anim na buwan ang probation ni Abueva.

Kahit nasa bagong koponan na ito, mananatili ang naturang estado ng kanyang professional license sa GAB.

Sa oras na maging maganda ang resulta ng kanyang probation, tuluyan nang maibabalik ang kanyang lisensya bilang pro basketball player.

Kaya naman handa ang Hotshots na tulungan si Abueva sa kanyang pagbabagong buhay.

“We hereby depose and state that we indivi­dually and collectively promise, pledge and undertake that we will provide Calvin Abueva the resources and support for his continued reformation,” ayon sa statement ng Magnolia.

Nais ng Hotshots na maging magandang ehem­plo si Abueva sa mga kabataang umiidolo sa kanya.

Isa si Abueva sa itinutu­ring na sikat sa liga kaya’t marami ang nakatutok sa kanyang bawat galaw.

Nauna nang binalaan ng GAB si Abueva na nasa probationary status pa rin ito sa kabila ng pagkakatrade nito sa Magnolia mula sa Phoenix Fuel Masters.

CALVIN ABUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with