^
FIBA ACQ hosting suportado!
PBA commissioner Willie Marcial
STAR/ File

FIBA ACQ hosting suportado!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakakuha ng suporta ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa gobyerno para sa pagtataguyod ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark, Pampanga.

Mismong si PBA commissioner Willie Marcial na ang nagkumpirma na kinakamusta ni Senator Bong Go — kilalang kaal­yado ni Pangulong Rodrigo Duterte — ang mga ginagawang paghahanda para sa third window ng qualifiers.

Isa rin si Go sa mga sumuporta para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 noong nakaraang taon sa isang bubble setup sa Clark.

Nakipagpulong sina Marcial at PBA chairman Ricky Vargas kina Go at E­xecutive Secretary Salvador Medialdea noong Lunes ng gabi sa Malacañang.

“Nag-kuwentuhan at nag-pasalamat kami ni chairman Ricky kay Senator Go sa lahat ng tulong na kanyang ibinigay para matuloy ang PBA sa Clark bubble last season,” ani Marcial.

Ibinahagi rin ni Marcial ang mga plano nito para sa Season 46 na planong simulan sa Abril.

At handa sina Go at Mi­dealdea na tumulong para mas maging matagumpay ang pagdaraos nito.

“Sinabi lang din namin ‘yung mga plano ng liga this year. Sabi naman niya (Senator) tutulungan niya tayo this season together with Executive Secretary Medialdea,” ani Marcial.

Maliban sa suporta sa FIBA  ACQ  hosting, siniguro rin ni Go na susuportahan nito ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame na nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa House of Re­presentatives.

SBP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with