^
Phoenix bagong tahanan ni Manuel
Vic Manuel
STAR/ File

Phoenix bagong tahanan ni Manuel

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natupad ang kahi­lingan ni Vic Manuel na magkaroon ng bagong tahanan sa pagsisimula ng PBA Season 46 sa Abril matapos aprubahan ang Alaska-Phoenix trade.

Nakakuha ng go signal mula sa PBA trade committee ang paglipat ni Manuel mula Alaska patungong Phoenix Fuel Masters kapalit ni Brian Heruela at tatlong draft picks — first round (sixth pick) at se­cond round (fourth pick) sa darating na draft at first round pick sa rookie draft sa susunod na taon.

Kasama naman sa trade ng Aces ang pagbibigay nito sa Fuel Masters ng first round (seventh pick) at second round (seventh pick) picks sa rookie draft.

Bahagyang nahuli ang pagdating ni Manuel sa Fuel Masters kung saan kamakailan lamang ay na-trade din ang best friend nitong si Calvin Abueva na ngayon ay nasa Magnolia Hotshots na.

Gayunpaman, masaya si Manuel na magkakaroon ito ng bagong simula sa Phoenix matapos ang hindi nito pagkakaunawaan sa pamunuan ng Alaska dahil sa kontrata.

Matatandaang nag-offer ang Aces ng isang two-year maximum deal na may team-option sa ikalawang taon subalit hindi ito nagustuhan ni Manuel.

Napaulat na pumirma si Manuel ng deal sa Alaska noong Lunes ng gabi kalakip ang trade deal sa Phoenix.

Anim na taon ding namalagi si Manuel sa kampo ng Aces.

Makakasama ni M­anuel sa ratsada sina Season 45 Best Player of the Conference candidate Matthew Wright at Chris Banchero na naging kapalit ni Abueva sa blockbuster trade.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with