^

Pacquiao-Crawford posible—Arum

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Si World Boxing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford na nga ba ang makakalaban ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik-aksyon.

Lumakas ang usap-usapan na matuloy ang Pacquiao-Crawford fight nang ihayag ni Top Rank Promotions chief Bob Arum na malaki ang posibilidad na matuloy ito.

“Obviously, it’s more money for Terence. Terence would prefer a Pacquiao fight than anyone else,” ani Arum sa panayam ng Barbershop Conversations.

Posibleng ihayag na ng Pacquiao camp ngayong linggo kung si Crawford nga ba ang tinutukoy ng Pinoy champion na makakaharap nito sa isang mega blockbuster fight.

“We’re going to see what happens, and we’ll know this week whether Pacquiao-Crawford can happen,” ani Arum.

Matatandaang naglabasan sa ilang ulat noong nakaraang linggo na $40 million ang hihinging paycheck ni Pacquiao para labanan si Crawford.

Sa kabilang banda, tatanggap naman ng $10 million si Crawford.

WBO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with