^

Calvin Abueva under probation pa rin—GAB

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ng Games and Amusements Board (GAB) si Calvin “The Beast” Abueva na nasa i­lalim  pa rin ito ng probation.

Ayon kay GAB chairman Baham Mitra, kailangan pa ring tuparin ni Abueva ang lahat ng  mga requirements upang tulu­yan nang maibalik ang kanyang professional license.

Anim na buwan ang probation period ni Abueva.

Kahit lumipat pa ito mula sa Phoenix patu­ngong Magnolia, mananatili ang estado nito bilang proba­tionary.

“Calvin is still under the six-month probation period. Even if he has transferred to a different team, as a professional athlete licensed by GAB, he still needs to honor what has been agreed upon and his commitment to the Board which was the basis of the reinstatement,” ani Mitra.

Noong Oktubre, binig­yan ng pagkakataon si Abueva na muling makapag­laro sa PBA Season 45.

Matatapos ang kanyang probation sa Abril — sakto sa target na pagbabalik-aksyon ng PBA para sa Season 46 ng liga.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with