^
McGregor pinayuhang magpokus sa boxing
Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor

McGregor pinayuhang magpokus sa boxing

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayuhan ng ilang eksperto si Ultimate Figh­ting Championship (UFC) superstar Conor McGregor na tigilan muna ang UFC kung nais nitong makuha ang inaasam na mega fight kontra kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Mismong si boxing legend George Foreman na ang nagsabi na mas makabubuting ituon muna ni McGregor ang konsentrasyon nito sa boxing.

Magiging malaking tulong ito upang muling makuha ang amor ng mga boxing fans at mapaba­ngong muli ang kanyang pangalan.

Bahagyang nawalan ng interes ang mga tao kay McGregor matapos itong lumasap ng second round knockout loss kay Dustin Poirier sa kanilang bakbakan noong nakaraang buwan.

Si McGregor pa naman ang pinakamainit na pangalan na posibleng makaharap ni Pacquiao sa kanyang next fight.

Subalit naglaho ito dahil sa kabiguang tinamo ni McGregor sa kamay ni Poirier.

Mayroon namang bo­xing skills si McGregor.

Sa katunayan, naniniwala si Foreman na mas magandang gamitin niya ito sa boxing kumpara sa MMA.

Sa ngayon, wala pang inihahayag na pangalan ang kampo ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito.

CONOR MCGREGOR MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with