^
Eala umakyat sa No. 763 sa WTA singles rankings
Mula sa pagiging No. 903 ay umakyat si Eala sa No. 763 sa inilabas na pinakahuling Women’s Tennis Association (WTA) Tour singles rankings.
https://www.instagram.com/alex.eala/

Eala umakyat sa No. 763 sa WTA singles rankings

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang gumaganda ang inilalaro ni Pinay tennis phenom Alex Eala ay lalong umaangat ang kanyang puwesto sa world rankings.

Mula sa pagiging No. 903 ay umakyat si Eala sa No. 763 sa inilabas na pinakahuling Women’s Tennis Association (WTA) Tour singles rankings.

Naging basehan ng WTA ang magandang per­formance ng 15-anyos na Pinay netter sa mga sina­lihang torneo sa Spain at France simula noong Enero.

“I’m super happy and thankful to my team and family for all the support,” wika ni Eala, iskolar ng Rafa Nadal Tennis Aca­demy, na pumasok bilang isang junior reserve sa nakaraang three-leg W15 Manacor ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour noong Enero sa Spain.

Nakopo ni Eala ang kauna-unahan niyang wo­men’s pro title nang magwagi sa first leg ng three-leg W15 Manacor ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour.

Nakapasok siya sa quarterfinals ng second at third leg ng nasabing torneo kung saan naglaro rin ang ilang bigating pro players sa buong mundo.

Nasibak naman si Eala sa ITF W25 Grenoble sa France nang makalasap ng 0-6, 4-6 pagkatalo kay WTA No. 220 Maja Chwalinska ng Poland sa quarterfinals ng naturang torneo.

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with