^

Jaja, Ageo 5th place sa Japan V.League

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinulungan ni Philippine Superliga (PSL) MVP Jaja Santiago ang Saitama Ageo Medics na makuha ang fifth place sa katatapos na Japan V.League.

Nagtala ang dating National University standout ng 11 puntos sa 17-25, 25-23, 25-20, 25-20 pananaig ng Ageo Medics sa Okayama Seagulls sa battle-for-fifth place.

Nakuha ito ng 6-foot-5 Pinay middle blocker mula sa siyam na attacks at dalawang blocks.

Hindi nakapasok ang Ageo sa semifinals nang mag­rehistro ito ng 12-8 baraha sa pagtatapos ng eliminasyon sapat lamang sa ikalimang puwesto.

Dahil dito nahulog sa classification round ang Ageo Medics.

Sa classification, iginupo muna ng Ageo ang Hitachi Rivale (25-23, 21-25, 26-24, 25-14) para makapasok sa battle-for-fifth game.

Noong nakaraang taon, nakuha ng Ageo Medics ang tansong medalya.

Tapos na ang Japan V.League subalit hindi pa makauuwi ng Pilipinas si Santiago dahil lalahok pa ang Ageo sa isang pocket tournament sa Japan.

Inaasahang makababalik ito sa Maynila sa Marso.

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with