^

Eala feeling proud sa mga nakamit na achievements

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2021 - 12:00am

Sa women’s pro circuit

MANILA, Philippines — Ang pagka-kapasok sa top 1,000 women’s professional singles rankings ay isa nang malaking karangalan para kay Pinay tennis sensation Alex Eala.

Nadagdagan pa ito ng kanyang pag-angkin sa kauna-unahan niyang women’s pro crown nang magreyna sa first leg ng three-leg W15 Manacor ITF Rafa Nadal Academy World Tennis Tour noong Enero sa Spain.

“I’m really proud of myself for breaking that top 1,000. It’s a huge milestone for me,” wika ng 15-anyos na netter. “It wasn’t just me who worked super hard for the past 10 years of my life. But of course I’m always wanting more.”

Umakyat si Eala sa No. 903 sa Women’s Tennis Association (WTA) rankings matapos ang nasabing tagumpay at dalawang beses na pagpasok sa quarterfinals ng second at third leg ng W15 Manacor.

Napatalsik naman si Eala, ang No. 3 sa International Tennis Federation (ITF) juniors rankings, sa ITF W25 Grenoble sa France.

Isang 0-6, 4-6 kabiguan ang nalasap ng iskolar ng Rafael Nadal Tennis Academy mula kay WTA No. 220 Maja Chwalinska ng Poland sa quarterfinals ng nasabing torneo.

“I definitely didn’t expect winning, I’m super happy and thankful to my team and family for all the support,” sabi ni Eala.

Matapos ang kanyang kampanya sa France event ay muling sasabak si Eala sa W25 Manacor sa Spain na hahataw sa Marso 1.

“This year I’m definitely going to prioritize more women’s (tournaments) over the juniors,” sabi ni Eala. “That’s going to help me more in the future.” ­­­­­­­­­­­­

ALEX EALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with