_ngayon
^
Butler mainit ang pagbabalik!
Bantay-sarado ni Kings guard Kyle Guy si Heat forward Jimmy Butler sa aksyong ito sa NBA.
STAR/File

Butler mainit ang pagbabalik!

(Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2021 - 12:00am

Heat inilusot vs Kings

MIAMI — Matapos mawala ng 10 games dahil sa NBA virus-related protocols ay umiskor si Jimmy Butler ng season-high 30 points para pamunuan ang Heat sa 105-104 paglusot sa Sacramento Kings.

Nagtala rin si Butler ng 8 assists at 7 rebounds para tapusin ng Miami (7-12) ang kanilang five-game losing skid.

Pinamunuan ni De’Aaron Fox ang Kings (8-11) sa kanyang 30 markers.

Sa Boston, nagposte si Anthony Davis ng 27 points at 14 rebounds para ihatid ang nagdedepensang Los A­ngeles Lakers (15-6) sa 96-95 pagtakas sa Celtics (10-8).

Nagtala si LeBron James ng 21 points, 7 rebounds at 7 assists at nagdagdag si Montrezl Harrell ng 16 points para sa Lakers.

Sa Chicago, isinalpak ni Damian Lillard ang isang fadeaway 3-pointer sa final buzzer para sa 123-122 pag-eskapo ng Portland Trail Blazers (10-8) laban sa Bulls (7-11).

Sa Charlotte, tumipa si LaMelo Ball ng career-high 27 points para sa 126-114 tagumpay ng Hornets (9-11) kontra sa Milwaukee Bucks (11-8).

Sa New Orleans, kumamada si Christian Wood ng 27 points para sa 126-112 pagdaig ng Houston Rockets (9-11) sa Pelicans (7-11).

KINGS MIAMI HEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with