^
Harden, Irving bumida sa Nets
Steve Nash
Philstar.com/Denison Rey A. Dalupang

Harden, Irving bumida sa Nets

(Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2021 - 12:00am

OKLAHOMA CITY , Philippines — Humataw sina James Harden at Kyrie Irving ng tig-25 points para banderahan ang Brooklyn sa 147-125 panalo laban sa Thunder bagama’t ipinahinga ng Nets si Kevin Durant.

Nagpasya si Brooklyn head coach Steve Nash na bigyan ng break si Durant, ang NBA No. 2 scorer, patungo sa pagtatala ng kanilang 13-8 record.

Pinamunuan ng 19-anyos na si rookie Theo Maledon ang Oklahoma City sa kanyang 24 points tampok ang perkepekong 6-of-6 shooting sa three-point range.

Sa Minneapolis, nagposte si Joel Embiid ng 37 points at 11 rebounds para pamunuan ang 118-94 tagumpay ng Philadelphia 76ers (14-6)  sa Minnesota Timberwolves (4-14).

Sa Orlando, nagsumite si Paul George ng 26 points, 9 rebounds at 5 assists at may 24 markers si Kawhi Leonard para igiya ang Los Angeles Clippers (15-5) sa 116-90 paggupo sa Magic (8-12).

Sa New Orleans, humataw si Lonzo Ball ng season-best 27 points para ihatid ang Pelicans (7-10) sa 131-126 pagdig sa Milwaukee Bucks (11-7).

Sa iba pang resulta, tinalo ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 116-100 habang pinayuko ng San Antonio Spurs ang Denver Nuggets, 119-109.

KEVIN DURANT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with