^
Gobert pasiklab sa panalo ng Jazz vs Knicks
Tinangkang supalpalin ni Knicks forward Nerlens Noel si Jazz star Rudy Gobert sa aksyong ito sa NBA.

Gobert pasiklab sa panalo ng Jazz vs Knicks

(Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

SALT LAKE CITY — Kumolekta si star center Rudy Gobert ng 18 points, 19 rebounds at 4 blocked shots para banderahan ang Utah Jazz sa 108-94 paggupo sa New York Knicks.

Ito ang pang-siyam na sunod na arangkada ng Jazz (13-4) na nakahugot kina Royce O’Neale at Mike Conley ng 20 at 19 points, ayon sa pagkakasunod.

Umiskor lamang si leading scorer Donovan Mitchell ng 9 points mula sa malamyang 3-for-15 fieldgoal shooting.

Pinamunuan ni Austin Rivers ang Knicks (8-11) sa kanyang 25 points habang humakot si Julius Randle ng 18 points at 10 rebounds.

Sa Atlanta, humataw si guard Trae Young ng 38 points at sinamantala ng Hawks (9-8) ang hindi pag­lalaro ng mga key players ng Los Angeles Clippers (13-5) para kunin ang 108-99 tagumpay.

Winakasan ng Atlanta ang seven-game winning streak ng Los Angeles.

Hindi naglaro para sa Clippers sina leading sco­rers Kawhi Leonard at Paul George dahil sa health and safety protocols.

Pinangunahan ni Reggie Jackson ang Los Angeles sa kanyang 20 points, 8 assists at 7 rebounds at may 15 markers si Serge Ibaka.

Sa Houston, umiskor si John Wall ng 24 points para igiya ang Rockets (7-9) sa 107-88 pananaig sa Wa­shington Wizards (3-10).

KNICKS UTAH JAZZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with