^
National boxing team todo na sa pagpapakondisyon
“Nag-start na iyong training namin pero hindi ko lang po alam kung may sparring kami kasi kakasimula lang din po kasi (training), wika ni Irish Magno, sasabak sa wo­men’s flyweight division ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan, sa panayam ng PSN Sports.
STAR/File

National boxing team todo na sa pagpapakondisyon

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang araw na pagkakakulong sa kanilang mga kuwarto ay nagsimula nang magpakondisyon ang national boxing team sa loob ng ‘bubble’.

“Nag-start na iyong training namin pero hindi ko lang po alam kung may sparring kami kasi kakasimula lang din po kasi (training), wika ni Irish Magno, sasabak sa wo­men’s flyweight division ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan, sa panayam ng PSN Sports.

Kasama ni Magno sa kuwarto sa ‘bubble’ sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna sina Olympic hopefuls Nesthy Petecio at Analene Cellon.

Hindi kaagad nasimulan ang ensayo ng mga miyembro ng national men’s at women’s boxing teams dahil sa paghihintay sa resulta ng kanilang Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) tests.

Bukod kay Magno, mayroon na ring Olympic ticket sina boxer Eumir Felix Marcial, pole vaulter Ernest John Obiena at gymnast Carlos Edriel Yulo.

Ang 2019 Southeast Asian Games gold meda­list na si Petecio, lumalaban sa featherweight class, ang sinasabing may pinakamalakas na tsansang makasuntok ng Olympic berth.

Nag-uwi ang 28-anyos na tubong Santa Cruz, Davao del Sur ng gold medal noong 2019 AIBA Women’s World Cham­pionship.

Nabigo si Petecio na masungkit ang Olympic slot nang matalo kay Japanese Sena Irie sa quarterfinals ng Asia-Oceania Boxing Olympic Qualifiers sa Amman, Jordan.

BOXING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with