^
Baltazar out sa rookie draft, Melecio in
Justine Baltazar
Philstar.com/Erwin Cagadas, file

Baltazar out sa rookie draft, Melecio in

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi lalahok si Gilas Pilipinas pool member Justine Baltazar sa PBA Annual Rookie Draft.

Nagdesisyon ang 6-foot-9 cager na isentro muna ang atensiyon nito sa Gilas Pilipinas gayundin sa nalalabing playing year nito sa UAAP kasama ang De La Salle University.

“Hindi muna (rookie draft) dahil gusto ko muna mag-focus sa Gilas (habang wala pa ang UAAP),” ani Baltazar na isa sa itinuturing na may malaking potensiyal maging top pick sakaling tumuloy ito sa draft.

Impresibo ang mga numero ni Baltazar sa huling season ng UAAP.

Mayroon itong averages na 15.14 points, 11.8 rebounds at 1.07 block kada laro.

Nagtala naman ito ng averages na 7.0 points at 8.5 rebounds sa second window ng FIBA Asia Cup Qualifiers noong Nobyembre sa Manama, Bahrain.

Magandang balita ang desisyon ni Baltazar para sa Green Archers.

Subalit hindi lahat maganda dahil nagpasya naman si Aljun Melecio na tuluyan nang lisanin ang kampo ng La Salle para sumalang sa rookie draft.

Nagsumite ng aplikasyon si Melecio sa huling araw ng deadline kahapon.

Nagpasalamat ito sa buong La Sallian community sa ilang taong suporta nito sa kanya.

JUSTINE BALTAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with