^

PSN Palaro

Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!

MANILA, Philippines — Pinaplantsa na ang susunod na laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ina­asahang isisiwalat ng kampo nito ngayong linggo.

Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang laban na target idaos sa Abril o Mayo.

Mahigit isang taon ding hindi nasilayan sa aksyon si Pacquiao na huling su­malang noon pang Hulyo ng 2019 nang itala nito ang split decision win kay Keith Thurman.

“Ipa-finalize na namin this week. Kapag na-finalize na saka namin ia-announce kung sino ang makakalaban (ko sa next fight),” wika ni Pacquiao.

Ilan sa mga pina­nga­lanan ni Pacquiao sina International Boxing Fe­deration (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight king Errol Spence Jr. at reigning World Bo­xing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford sa mga kandidato.

Kasama rin si WBC interim lightweight champion Ryan Garcia sa mga natukoy matapos itong maglabas ng poster ng dream fight nito kay Pacquiao.

Klinaro naman ni Pacquiao na sakaling matuloy ang laban kay Garcia, posibleng isang exhibition match lang ito dahil bagito pa ito na halos ka-edad ng kanyang panganay na anak.

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” biro pa ni Pacquiao.

vuukle comment

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with