^

PSN Palaro

Giannis inakay ang Bucks vs Hawks

Pilipino Star Ngayon
Giannis inakay ang Bucks vs Hawks
Tinirahan ni Bucks forward Giannis Anteto­kounmpo sina Hawks forward Onyeka Okongwu at forward John Collins sa ak-syong ito sa NBA.

MILWAUKEE -- Nagposte si Giannis Anteto­kounmpo ng 27 points, 14 rebounds at 8 assists para banderahan ang Bucks sa 129-115 dominasyon sa Atlanta Hawks at pigilan ang kanilang two-game losing skid.

Nagdagdag si Bobby Portis ng 21 points  habang may 19 markers si Khris Middleton para sa 10-6 baraha ng Milwaukee.

Pinamunuan ni De’Andre Hunter ang Atlanta (8-8) sa kanyang career-high 33 points at may 30 markers si John Collin.

Naglaro ang Hawks, nalasap ang ikatlong dikit na kabiguan, na wala sina leading scorer Trae Young (back spasms) at center Clint Capela (sore right hand).

Sa Los Angeles, itinala ng Clippers (13-4) ang kanilang pang-pitong sunod na panalo matapos kunin ang 108-101 tagumpay sa Oklahoma City Thunder (6-9).

Kumamada si Kawhi Leonard ng 34 points, 9 rebounds at 8 assists para sa pang-pitong sunod na ratsada ng Clippers.

Sa San Antonio, umiskor si Patty Mills ng 21 points at may 16 markers si Lonnie Walker IV para ihatid ang Spurs (9-8) sa 121-101 pagdaig sa Wa­shington Wizards (3-9).

Sa Boston, humugot si Jaylen Brown ng 20 sa kanyang 33 points sa third quarter para tulungan ang Celtics (9-6) sa 141-103 paggupo sa Cleveland Cavaliers (8-8).

Sa Indianapolis, naglista si OG Anunoby ng season-high 30 points para sa 107-102 pananaig ng Toronto Raptors (7-9) laban sa In­diana Pacers (9-7).

Sa Orlando, ipinasok ni Gordon Hayward ang isang layup sa huling 0.7 segundo at tumapos na may 39 points sa 107-104 pagresbak ng Charlotte Hornets (7-9) laban sa Magic (7-10).

vuukle comment

GIANNIS ANTETO­KOUNMPO

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with