^
Ramos pasok na sa âCalambubbleâ
Ngayon lamang nakasama si Ramos sa bubble dahil sumailalim pa ito sa 14-day quarantine requirement ng Inter Agency-Task Force sa lahat ng returning Filipinos.
FIBA

Ramos pasok na sa ‘Calambubble’

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pasok na sa bubble si Filipino-American Dwight Ramos para makasama ang Gilas Pilipinas pool na naghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan sa Clark, Pampanga.

Kinumpirma ni Gilas Pilipinas team manager Gabby Cui ang pag-entra ni Ramos sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna kahapon.

Ngayon lamang nakasama si Ramos sa bubble dahil sumailalim pa ito sa 14-day quarantine requirement ng Inter Agency-Task Force sa lahat ng returning Filipinos.

Galing si Ramos sa ilang linggong bakasyon sa California bago duma­ting sa bansa noong u­nang bahagi ng Enero para makasama sa third window ng qualifiers.

Dahil dito, tanging si NBA G League-bound Kai Sotto na lamang ang hindi pa nakakapasok sa bubble.

Pinaplantsa na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang lahat para dalhin ang 7-foot-3 Pinoy cager sa Pilipinas.

Pormal nang nagsimula ang pukpukang training camp ng Gilas Pilipinas pool noong Biyernes.

Pinamumunuan ito nina SBP program director Tab Baldwin at second window Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico kasama ang mga assistants nitong sina Norman Black, Boyet Fernandez, Sandy Arespacochaga at Caloy Garcia.

Pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa third window sa Pebrero 18 hanggang 22 kung saan sasalang ito sa tatlong laro.

Makakasagupa ng Pilipinas ang South Korea sa Pebrero 18 at 22 at ang Indonesia sa Pebrero 20.

DWIGHT RAMOS GILAS PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with