^

Suzara bagong volleyball chief

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 26, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagong simula ang haharapin ng volleyball sa pagkahirang ni Tats Suzara bilang bagong presidente ng national volleyball association sa bansa.

Naluklok bilang pa­ngulo si Suzara matapos makalikom ng 31 boto sa ginanap na eleksiyon kahapon na dinaluhan ng iba’t ibang volleyball stakeholders sa bansa kasama ang kinatawan ng Philippine Olympic Committee (POC).

Ayon kay POC president Bambol Tolentino, tatawagin ang bagong asosasyon na Philippine National Volleyball Federation, Inc.

Kasama ni Suzara sa bagong grupo sina vice-president Arnel Hajan na may 30 boto habang chairman si Ariel Paredes (30 votes), secretary general Don Caringal (31 votes), treasurer si Rod Roque (31 votes) at auditor si Yul Benoza (30 votes).

Pasok naman bilang Board Members sina Charo Soriano (30 votes), Tony Boy Liao (31 votes), Ricky Palou (31 votes), Carmela Gamboa (28 votes), Vic Calvo (29 votes), Karl Chan (30 votes) at Wharton Chan (31 votes).

Ang grupo ni Suzara ang bagong kikilalaning national sports association para sa volleyball sa Pilipinas.

Papalitan nito ang nagsasalpukang Philippine Volleyball Federation (PVF) at Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI).

Ito rin ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa FIVB Congress na idaraos sa susunod na buwan via online.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with