^
Mcgregor knockout kay Poirier!
Ang suntok na ito ni Dustin Poirier ang nagpabagsak kay Conor McGregor sa 2nd round ng kanilang laban.
STAR/File

Mcgregor knockout kay Poirier!

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

Pacquiao fight maapektuhan kaya?

MANILA, Philippines — Bigo si Ultimate Figh­ting Championship Conor McGregor na magpasiklab sa buong mundo para sana sa kanyang inaaba­ngang salpukan kay eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ito ay matapos lumasap si McGregor ng se­cond-round knockout loss kay Dustin Poirier kahapon sa kanilang UFC 257 fight sa Etihad Arena on Yas Island sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Mainit ang simula ni McGregor nang magpa­kawala ito ng matitinding atake sa first round.

Subalit hindi nito nasustenihan ang momento matapos umarangkada ng husto si Poirier gamit ang solidong shots na tumama sa ulo ni McGregor.

Nagawa nitong makorner si McGregor na bumagsak sa canvas at tuluyang paulanan ng suntok para masikwat ang knockout win.

Ito ang nagsilbing ma­ta­mis na resbak ni Poi­rier matapos lumasap ng knockout loss kay McGregor sa kanilang unang pagtatagpo noong 2014.

Bagsak sa 22-5 ang rekord ni McGregor habang gumanda naman sa 26-7 ang marka ni Poirier.

Dahil sa masaklap na nangyari, malaking katanungan sa ngayon kung matutuloy ang bakbakan nina Pacquiao at McGregor.

Agad na nag-tweet si Pacquiao ng congratulatory message matapos ang laban.

“Beautiful thing about the fight game, anything can happen. Congrats to Dustin Poirier. Huge win!,” ani Pacquiao sa kanyang Twitter account.

Bago pa man magsi­mula ang bakbakan, nag-post na si Pacquiao ng good luck message kay McGregor.

“Good luck tonight Conor! Let’s make 2021 the best year ever for fight fans,” ani Pacquiao.

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with