^

De Los Santos hahataw na naman

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling aarangkada sa taong ito si Pinoy karateka Orencio James De Los Santos upang mapatatag ang kapit sa No. 1 spot sa world rankings.

Unang sasabak ang 30-anyos na Cebuano sa prestihiyosong Sportdata e-Tournament World Series 2021.

Pasok na ang pangalan ni De Los Santos sa e-kata individual male seniors event.

Haharapin ni De Los Santos sina world ranked No. 2 Domont Matias Moreno ng Switzerland, No. 4 Silvio Cerone-Biagioni ng South Africa, No. 5 Alfredo Bustamante ng Amerika at No. 6 Nejc Sternisa ng Slovenia.

Optimistiko si De Los Santos na magtutuluy-tuloy ang matikas na ratsada nito matapos ang maningning na kampanya noong nakaraang taon.

Malayo na ang agwat ni De Los Santos sa world rankings.

Kasalukuyang may 18,020 puntos ito kumpara sa 9,390 puntos ni Moreno at 8,890 puntos ni dating No. 1 Eduardo Garcia ng Portugal na kasalukuyang nasa ikatlong puwesto na.

Hinahasa na ni De Los Santos ang world class routine nito para sa World Series.

Bukod kay De Los Santos, naka-entra rin sa World Series ang lima pang Pinoy karatekas.

ORENCIO JAMES DE LOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with