^

Sen. Go isinusulong ang Philippine National Games Act

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ang Senate Bill No. 2001 o ang “Philippine National Games Act” ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang inaasahang makakatulong sa long-term sports development program sa bansa.

Hinihimok ng nasabing panukala ni Go ang mga local government officials na palakasin at paunlarin ang isports sa kani-kanilang mga lugar.

“Naniniwala ako na ang sports ay isang paraan upang mabigyan natin ng holistic growth ang ating kabataan at ilayo sila sa mga masasamang bisyo, tulad ng iligal na droga,” wika ni Go.

Naniniwala ang Senador na ang pagpapatibay sa national sports program ang lalong magpapalakas sa grassroots sports development ng bansa.

Kasalukuyang nakatengga ang mga programa ng Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa coronavirus disease COVID-19) pandemic kung saan hindi naidaos noong 2020 ang taunang Batang Pinoy, Philippine National Games at Palarong Pambansa.

Pangarap ni Go na magkaroon ng national pool na magsasanay sa mga atletang isasalang sa mga international sports events kagaya ng Olympic Games, World Championships, Asian Games at Southeast Asian Games.

Nauna nang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging batas ang Republic Act 11470 ni Go na nagtatatag sa National Academy of Sports.

Nagbibigay ang NAS ng full scholarship sa mga qualified natural-born secondary school students.

BONG GO PSC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with