^
Gilas bakbakan na sa training
Troy Rosario
Philstar.com/Luisa Morales

Gilas bakbakan na sa training

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

Halos kumpleto na ang pool kaya naman...

MANILA, Philippines — Ngayong halos kumpleto na ang pool, mas matitinding ensayo na ang pagdaraanan ng Gilas Pilipinas na puspusang nagsasanay sa bubble para sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa susunod na buwan.

Pasok na sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang tatlo pang PBA players na sina Troy Rosario at Roger Pogoy ng TNT, at Raul Soyud ng NLEX gayundin si Gilas Cadets Juan Gomez de Liaño.

Hinihintay pa ang pagdating ni NBA G League-bound Kai Sotto mula sa Amerika matapos nitong kumpirmahin ang pagsabak sa third window ng qualifiers.

Inaasahang papasok na rin sa bubble si Dwight Ramos na galing naman sa bakasyon sa California.

Nauna nang pumasok sa Calambubble  sina PBA players Kiefer Ravena, CJ Perez at Justin Chua na nauna nang nagkumpirma ng partisipasyon.

Maraming PBA players ang tumangging sumalang sa pagkakataong ito dahil sa magkakaibang kadahilanan kabilang na ang mga players na sumasailalim sa recovery dahil sa injury na tinamo sa nakalipas na PBA Season 45 Philippine Cup.

Sa kabila nito, solido pa rin ang programa ng c­oaching staff para paghandaan ng husto ang krusyal na laban ng koponan sa third window.

Mas magiging mataas na ang lebel ng pagsasanay ng Gilas pool para makabuo ng game plan sa dalawang laban nito kontra sa South Korea sa Pebrero 18 at 22, at Indonesia sa Pebrero 20.

Nilinaw naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na wala pang shoo-in sa Final 12 dahil ibabase pa ang pagpili sa magiging resulta ng ensayo ng tropa sa Calambubble.

Sa oras na dumating sina Sotto at Ramos sa bubble, may 20 miyembro na ang Gilas pool na sapat na para makabuo ng solidong koponan.

Tatapyasin pa ito sa Final 12 isang araw bago simulan ang third window.

Ngunit posibleng makalaro ang lahat ng nasa pool dahil pinahihintulutan ng FIBA na magpalit ng lineup sa bawat laro tulad ng ipinatupad nito sa second window noong Nobyembre sa Manama, Bahrain.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with