^

South Korea 12 players ang dadalhin sa Clark

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapadala lamang ang South Korea ng 12 players sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers na idaraos sa Clark, Pampanga sa Pebrero 17 hanggang 22.

Babanderahan ang South Korean squad ni Ricardo Ratliffe na ngayon ay may Korean name na Ra Gun-ah at dating import ng Magnolia Hotshots sa PBA kasama si Lee Gwan Hee na dating Asian import ng Phoenix.

Kasama rin ng dalawa sina Lee Seoung-hyun ng Gorang Orions, Kim Jong-kyu ng Wonju DB Promy, Kang Sang-jae ng Incheon ET Land Elephants at 2020 KBL MVP Heo Hoon ng Busan KT Sonicboom.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Yeo Jun-seok, Jeon Junbeom, Kim Nak Hyeon, Byeon Jun Hyeong, Ah Young-jun Ahn at Kim Si Rae.

Daraan sa matin­ding pagsubok ang South K­orea dahil apat na sunud-sunod na laro ang haharapin nito sa third window.

Unang sasagupain ng South Korea ang Gilas Pilipinas sa Pebrero 18 kasunod ang Indonesia sa Pebrero 19, Thailand sa Pebrero 20 at Gilas Pilipinas ulit sa Pebrero 22.

FIBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with