^

Arocha pasok sa Flying Titans

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinugot ng Choco Mucho si two-time NCAA Finals MVP Regine Arocha ng Arellano University para sa nakatakdang pagsabak ng Flying Titans sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.

Malalim ang karanasan ni Arocha na miyembro ng Lady Chiefs na nagkampeon ng tatlong beses sa NCAA women’s volleyball tournament.

Naging bahagi rin ito ng Power Smashers na dating koponan sa PVL at ng Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine Superliga bago lumundag sa kampo ng Choco Mucho.

Masaya si Arocha sa kanyang bagong tahanan dahil bago ang kanyang makakasamang katropa.

“Excited na akong ma­ka­sama sila sa games,” ani Arocha.

Karamihan sa miyembro ng Flying Titans ay dating players ng reigning UAAP champion Ateneo kabilang na si opposite hitter Kat Tolentino.

Kasama rin sina middle blockers Maddie Mada­yag at Bea De Leon, playmaker Deanna Wong at seasoned libero Denden Lazaro habang ginagabayan ito ni Ateneo head coach Oliver Almadro.

Umaasa si Arocha na mabilis itong makakaa­gapay sa sistema ng Flying Titans lalo pa’t pare-pareho naman silang may cham­pionship experience.

PVL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with