^

PSN Palaro

Tokyo Olympics tuloy!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Desidido ang Japan na ituloy ang Olympic Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).

Muling tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Japan partikular na sa capital city na Tokyo.

Kaya naman lumabas ang isang ulat na kinokonsidera ng Japan na kanselahin na lamang ang Tokyo Olympics at kunin ang hosting ng mga susunod na edisyon partikular na ang 2032 edisyon.

Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Prime Minister Yoshihide Suga dahil nasa tamang daan ang kanilang bansa para sa matagumpay na pagdaraos ng quadrennial meet.

“I am determined to rea­lize a safe and secure Tokyo Games as proof that mankind will have overcome the virus,” wika ni Suga.

Ikinakasa ng Tokyo Olympic Games organizing committee ang pagdaraos ng palaro ng ligtas.

Gumagawa na ng mga hakbang ang mga organi­zers para masiguro ang lubos na kaligtasan ng lahat ng atleta, coaches officials at spectators na dadalo.

“Prime Minister Suga has expressed his determination to hold the Games, the government is leading a series of coordination meetings for Covid-19 countermeasures and is implementing thorough infection countermeasures in order to be able to hold the Games,” ayon sa statement.

Umaasa ang Japan na magiging maayos na ang lahat bago magsimula ang Tokyo Olympics lalo pa’t gumugulong na ang vaccination sa iba’t ibang bansa.

Ang vaccine ang itinuturing na magsisilbing sagot para tuldukan ang pandemya.

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with