^

PSN Palaro

Sotto naka-sentro sa NBA dream

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto naka-sentro sa NBA dream
Kai Sotto
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walang ibang nasa isip si Kai Sotto kundi ang nag-iisang pangarap nito — ang makatungtong sa world class stage ng NBA.

Kaya naman walang sinasayang na sandali si Sotto sa ensayo upang mas lalong mahasa ang kanyang abilidad bago magsimula ang NBA G League sa susunod na buwan.

Hangad ni Sotto na makapagbigay ng magandang laro sa G League kasama ang Ignite dahil ito ang magiging tulay nito para makahatak ng atensiyon mula sa NBA scouts.

Puspusan na ang training camp ng Ignite sa Walnut Creek, California dahil papasok ang tropa sa bubble sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Orlando, Florida.

“My goal is to be the best player that I can be. I’m trying my best to get drafted next year,” ani Sotto.

Pangarap ng buong sambayanan ang masila­yan ang isang Pinoy player sa NBA kaya’t buhos din ang suporta ng mga kababayan nito para maabot ang mi­nimithing tagumpay.

Maganda ang takbo ng training ni Sotto sa Ignite dahil napapalibutan ito ng mga beteranong NBA players at coaches na gumagabay sa kanya sa training camp.

Nangunguna na si Ignite head coach Brian Shaw na malalim ang karanasan sa NBA.

Masusubukan ang tikas ni Sotto sa pagsisimula ng NBA G League season sa susunod na buwan na gaganapin sa isang bubble setup.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with