Pringle pinahalagahan ang suporta ni Cone at mga Gin Kings teammates
MANILA, Philippines — Hindi magagawaran ng parangal ang isang player kung wala ang suporta ng kanyang head coach at mga teammates.
Kaya naman nang igawad kay Barangay Ginebra guard Stanley Pringle ang Best Player of the Confe-rence award ng 2020 PBA Philippine Cup ay hindi niya nakalimutang pasalamatan si mentor Tim Cone at kanyang mga kakampi.
“As far as awards, your teammates are going to put you in a position to win, so it’s just as much as their award as yours,” wika ng 33-anyos na playmaker matapos ang PBA Special Awards Night na isinaere via virtual mula sa TV5 studio sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. “So shout out to all my teammates. That’s it, it’s their award, too,” dagdag nito.
Nagtapos sa No. 6 sa statistical race, tinalo ni Pringle para sa BPC trophy sina Ray Ray Parks Jr. at RR Pogoy ng TNT Tropang Giga, Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix at CJ Perez ng Terrafirma.
Ito ang kauna-unahang BPC award ni Pringle na nakuha ng Ginebra noong 2019 matapos ang trade sa NorthPort.
Kabilang din si Pringle sa Outstanding/Elite Five kasama sina Wright, Abueva, Ginebra Japeth Aguilar at TNT Poy Erram.
Hinirang naman si Gin Kings center Prince Caperal bilang Most Improved Player habang ang Samboy Lim Sportsmanship award ay ibinigay kay Scottie Thompson at kinilalang Outstanding Rookie si Aaron Black ng Meralco.
- Latest