^

Diaz abot-kamay na ang Olympic berth

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kailangan lamang ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na makalahok sa kanyang ikaanim na international tournament para ganap nang maangkin ang tiket sa 2021 Olympic Games.

Dahil sa coronavirus di­sease (COVID-19) pandemic, hindi nakasali si Diaz, ang silver medalist noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil, sa kanyang pang-anim na kompetisyon noong nakaraang taon.

May pagkakataon na ang tubong Zamboanga City na masikwat ang kanyang ikaapat na Olympic berth sa pagsabak niya sa Olympic qualifying event sa Tashkent, Uzbekistan sa Abril 15-25.

Sakaling matuloy ang nasabing torneo ay opisyal nang mapapasakamay ng 28-anyos na si Diaz ang Olympic tiket sa women’s 55-kilogram division ng quadrennial event na gagawin sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 4.

Anim na International Weightlifting Federation-sanctioned events ang kailangan ni Diaz, ang kasalukuyang World No. 2 ranked, na masalihan para opisyal na maibulsa ang Olympic ticket.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with