PSL umorder na ng vaccine
MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli ang Philippine Superliga (PSL) dahil nakasiguro na rin ito ng vaccine na magsisilbing sagot sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon kay PSL chairman Philip Juico, umorder na ang liga ng 1,000 bakuna para sa mga players, coaches at officials na miyembro nito.
Sinabi ni Juico na nakipagnegosasyon ang PSL sa pamamagitan ng Go Negosyo program ni Joey Concepcion.
Gayunpaman, bahagyang matatagalan pa ito dahil may mga ilang hakbang pa ang kailangan para sa distribusyon nito.
“We made an order for 1,000 vaccines under the Go Negosyo program of Mr. Joey Concepcion and our request is being processed,” ani Juico sa programang Power and Play.
Nasa unahan ng listahan ng gobyerno ang mga health workers, frontliners at mga senior citizens habang kani-kanya rin na orders ang iba’t ibang local government units. Umaasa ang PSL na makukuha nito ang vaccine sa Mayo o Hunyo.
“There are batches of vaccines. We are in one of the batches. If things go as planned, we should have them by May or June,” ani Juico.
Sa kabila nito, wala pang linaw kung bibigyan na ng go signal ng Inter-Agency Task Force na makapagsimulang muli ang mga liga na sumailalim na sa vaccination
- Latest