^
Bucks itinakas ni Middleton
Iniwanan ni Bucks forward Khris Middleton ang bantay na si Mavericks forward Wes Iwundu.
STAR/File

Bucks itinakas ni Middleton

(Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MILWAUKEE — Nagsalpak si Khris Middleton ng dalawang three-pointers at nalampasan ng Bucks ang malamya nilang free-throw shooting para talunin ang Dallas Mavericks, 112-109.

Humugot si Middleton ng walo sa kanyang 25 points sa huling dalawang minuto ng fourth period para akayin ang Milwaukee (9-4) sa kanilang ikaapat na sunod na panalo at pigilan ang four-game winning streak ng Dallas (6-5).

“He’s just a great decision-maker,” sabi ni Bucks coach Mike Budenholzer kay Middleton. “He knows to take what the defense gives him. If he’s got a shot, he’s an incredible shot-maker, but he’s an incredible playmaker. He’s just a great finisher.”

Ang dalawang triples ni Middleton ang nagbigay sa Bucks ng 109-105 abante sa huling 34 segundo kasunod ang dalawa niyang free throws sa nalalabing 7.8 segundo para selyuhan ang kanilang panalo.

Pinamunuan ni Luka Doncic ang Mavericks sa kanyang 28 points at 13 rebounds at may 22 markers si Tim Hardaway Jr.

Sa Boston, naglista si guard Jaylen Brown ng 21 points at 8 assists at may 18 markers si Semi Ojeleye para tulungan ang Celtics (8-3) sa 124-97 paggupo sa Orlando Magic (6-6).

Sa Salt Lake City, nagsalpak si Donovan Mitchell ng anim na triples para sa kanyang 26 points at ihatid ang Utah Jazz (8-4) sa 116-92 tagumpay sa Atlanta Hawks (5-6).

Sa Cleveland, dinuplika ni Andre Drummond ang kanyang career high na 33 points at humakot ng 23 rebounds habang may 25 markers si Cedi Osman para akayin ang Cavaliers (6-7) sa 106-103 pagtakas sa New York Knicks (5-8).

Sa Oklahoma City, nagpasabog si Shai Gilgeous-Alexander ng career-high 33 points para igiya ang Thunder (6-6) sa 127-125 overtime win kontra sa Chicago Bulls (4-8).

BUCKS DALLAS MAVERICKS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with