^
Tuffin hinugot ng Wellington Saints
Ken Tuffin
UAAP

Tuffin hinugot ng Wellington Saints

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakahanap ng bagong tahanan si dating Far Eas­tern University standout Ken Tuffin matapos pumirma ng kontrata sa Wellington Saints na naglalaro sa New Zealand National Basketball League (NZ-NBL).

Nauna nang inihayag ni Tuffin na hindi na nito gagamitin ang final pla­ying year sa Tamaraws sa UAAP Season 84.

Kaya naman magandang balita na kinuha ito ng Wellington Saints na nagkampeon sa 2019 edis­yon ng NZ-NBL.

“It is great to be back in my hometown to play for the Wellington Saints, a club with an amazing reputation, blessed to be able to put on the singlet,” ani Tuffin.

Maganda ang kam­panya ni Tuffin sa liga.

Noong 2019 ito unang pumasok sa NZ-NBL kung saan nagpasiklab agad ito kasama ang Taranaki.

Tinulungan nito ang Taranaki na makaabot sa semifinals sa huling season ng liga matapos magtala ng averages na 9.2 points at 4.7 rebounds kada laro.

Sa kanyang bagong koponan, umaasa si Tuffin na muli itong makatutulong sa ratsada ng Wellington Saints.

“The growth I can achieve with the club and under Zico is an awesome opportunity and I look forward to progressing my career further and getting out to contribute to my local community,” ani Tuffin.

Nakatakdang magsi­mula ang NZ-NBL season sa Abril.

FEU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with